|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
2 malalaking patatas (400g)
2 green chili
2 red chili
5 clove o butil ng garlic
Para sa Seasoning
15 grams ng sukang puti
20 grams ng cooking oil
3 grams ng asin
Paraan ng Pagluluto
Talupan at hugasan ang mga patatas at i-shred gamit ang cheese grater o hiwa-hiwain nang pahaba at manipis na parang sinulid.
Hugasan ang hiniwa-hiwa o ginadgad na patatas nang 2 ulit para maalis ang starch tapos ilagay sa bowl at ibabad sa pinaghalong tubig at kalahati ng dami ng sukang puti sa loob ng 10 minuto.
Hugasan ang red at green chilies tapos gayatin nang manipis. Hugasan ang garlic at gayatin nang pa-cube. Sa puntong ito, patuluin ang ibinabad na patatas.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang hanggang sa lumutang ang bango. Idagdag ang ginadgad na patatas at ituloy pa ang paggisa hanggang magbago ang kulay ng patatas. Idagdag ang natitirang suka, ang ginayat na chilies at ang asin bago igisa pa sa loob ng isang minuto-- at ready to eat na ang ating Potato with Vinegar Flavor.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |