|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
250 grams ng kulay silver na pomfret
4 na hiwa ng winter bamboo
4 na hiwa ng hamon
4 na piraso ng mushroom o kabute
10 grams ng rice wine
3 grams ng asin
5 grams ng luya
1 gram ng vetsin
10 grams ng vegetable oil
200 grams ng tubig
Paraan ng Pagluluto
Alisan ng kaliskis, hasang at lamang-loob ang isda. SOP iyan, ha? Hugasan at pagkatapos lagyan ng 2 pahilis na hiwa ang magkabilang tagiliran.
Initin ang 200 gramo ng tubig sa kaldero, pakuluin at pagkatapos ihulog ang isda. Hanguin ang isda at ilagay sa plato bago pahiran ng rice wine, budburan ng asin at lagyan ng vegetable oil. Idagdag ang mushrooms o mga kabute, winter bamboo, hamon at luya tapos pasingawan sa loob ng 10 minuto. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve. Alisin ang scallion at luya bago i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |