|
||||||||
|
||
Pangunahing Sangkap
2 Ribbonfish
Para sa Seasoning
80 grams ng vegetable oil
1 itlog
5 grams ng shallot (tinadtad)
10 grams ng bawang (tinadtad)
5 grams ng luya (tinadtad)
10 grams ng cooking wine
20 grams ng suka
20 grams ng toyo
5 grams ng asin
10 grams ng asukal
20 grams ng mixture of cornstarch and water
100 milliliter ng soup o tubig
Paraan ng Pagluluto
Tanggalin ang lamang-loob ng isda tapos hiwa-hiwain nang pa-cube sa sukat na 8 centimeters. Batihin sa isang bowl ang itlog at ibuhos sa mga piraso ng isda.
Initin ang mantika sa kawali at iprito ang may itlog na mga piraso ng isda hanggang maging kulay brown.
Sa isang sauce pan, ilagay ang shallot, luya, bawang, asin, asukal, cooking wine at ang sabaw o tubig at piniritong isda. Pakuluin tapos bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 5-8 minuto.
Pagkaraan niyan, i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |