|
||||||||
|
||
Korte Suprema, pumayag sa paglilipat ng hukuman patungo sa Taguig
NAHAHARAP ang mga akusado ng pagsalakay sa Marawi City sa paglilitis sa mga hukuman sa Taguig City.
Sa isang press briefing, sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te na sa kanilang en banc session noong nakalipas na ika-27 ng Hunyo ang sumangayon sa kahilingan ng Department of Jsutice na ilipat ang mga usapin mula sa Cagayan de Oro patungo sa Taguig City.
Kinilala rin ng Korte Suprema ang Special Intensive Care Area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig sa halip na sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro bilang pansamantalang detention area ng mga rebelde ayon sa kautusan ng Bureau of Jail Management and Penology upang madali ang paglilipat sa mga detenido.
Ipinagpasalamat din ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang desisyon. Maraming mga problema ang malulutas sa desisyong ito ng Korte Suprema. Tulad ng paglalagakan ng mga akusado o kung aarkila ng bagong pook para sa inquest at pagsasagawa ng preliminary investigations.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |