|
||||||||
|
||
Kahilingang extension ng Martial Law, posibleng pagbigyan
SINABI ni Senate President Aquilino Pimentel III na posibleng sumang-ayon ang Senado sa kahilingan ni Pangulong Duterte na patagalin ang Martial Law hanggang sa katapusan ng taon.
Kailangan umano ng sapat na panahon ng pangulong matapos ang kanyang layuning ibalik ang kapayapaan sa Marawi City.
Ipinaliwanag pa ni Senador Pimentel na posible rin nilang bawasan ang panahon ng Martial Law nagkataon nga lamang na hiniling ng pangulo ang extension kaya't lumalabas na kailangang pagbigyan.
Ang mananaig ay kung ano ang nasusulat sa liham na ipinadala sa Kongreso at Senado, dagdag pa ni G. Pimentel.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |