|
||||||||
|
||
Dalawang foundations na idinadawit sa terorismo makikipagtulungan sa imbestigasyon
NANGAKO ang Integrative Center for Alternative Development Foundation at Pacific Dialogue Foundation, Inc. na makikiisa sa pamahalaan sa sinasabing pagkakasangkot sa grupo ng mga teroristang mula sa Turkey.
Sa isang press conference, sinabi ni Cohangqir Arslan na handa silang humarap sa sinomang magsisiyasat upang mabatid kung may koneksyon sila sa mga teroristang kabilang sa Fethullah Gullen Movement.
Ang Filipino-Turkish Tolerance School sa Zamboanga City at ang Foundation International School sa San Juan na pinatatakbo ng ICAD at PDF ang isinasangkot ni Turkish Ambassador Esra Cancorur sa Fetullah Gullen Movement.
Naniniwala si Arslan na mapabubulaanan nila ang akusasyon. Matagal na umano silang nasa Pilipinas at handa silang ipakita ang kanilang mga dokumento.
Una na silang tumangging may kinalaman sila sa grupong Fethullah Gullen Movement at wala rin silang kinalaman sa pag-aaklas ng mga mamamayan sa Turkey laban sa kanilang pangulo. Inaalam pa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang detalyes ng akusasyon ng Turkish ambassador sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |