Tsina, natamo ang bunga sa pagharap sa pagbabago ng klima

2020-09-28 17:03:25  CMG
Share with:

Noong 2019, ang carbon dioxide emission per unit of GDP ng Tsina ay mas mababa ng 48.1% kaysa bolyum noong 2005. Mas maagang tinupad ng bansa ang pangakong ibaba ng 40% hanggang 45% ang bolyum na ito sa 2020.

 

Samantala, 15.3% ang proporsiyon ng mga non-fossil energy sa lahat ng mga uri ng enerhiyang ginamit ng Tsina noong 2019. Mas maaga ring naisakatuparan ng bansa ang target na umabot sa 15% ang proporsiyong ito sa 2020.

 

Ang mga datos na ito ay inilabas kahapon, Linggo, ika-27 ng Setyembre 2020, ng Ministri ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, kaugnay ng aktibong pagharap ng bansa sa pagbabago ng klima.

 

Sinabi rin ni Li Gao, mataas na opisyal ng ministring ito, na sa susunod na ilang taon, magsisikap ang Tsina para makaabot sa lalong madaling panahon sa sukdulang bolyum ng emisyon ng carbon dioxide. Pabibilisin din aniya ng Tsina ang pagbuo ng merkado para sa carbon emission permit trading, at pasusulungin ang berde at low-carbon na kabuhayan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method