Pamahalaan ng HKSAR, tutol sa ulat ng Kalihim ng Estado ng Amerika

2020-10-16 16:26:26  CMG
Share with:

Mariing tinutulan nitong Huwebes, Oktubre 15, 2020 ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang ulat na inilabas nitong Miyerkules ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ayon sa umano’y "Hong Kong Autonomy Act."

 

Tinukoy ng tagapagsalita ng pamahalaan ng HKSAR na mariing kinokondena ng HKSAR ang walang batayan at di-responsableng akusasyon ng nasabing ulat sa pamahalaan ng HKSAR.

 

Sinabi ng nasabing tagapagsalita na sapul nang ipatupad ang Batas sa Pambansang Seguridad ng HKSAR, bumalik ang katatagan ng lipunan ng Hong Kong, naigarantiya ang pambansang seguridad sa espesyal na rehiyong administratibo, at muling tinatamasa ang pundamental na karapatan at kalayaan ng mga taga-Hong Kong, alinsunod sa batas. Ito aniya ay di-mababalewalang katotohanan para sa awtoridad ng Amerika.

 

Pinuna ng nasabing tagapagsalita ang walang ebidensyang pagdududa ng naturang ulat sa organo ng pagpapatupad ng batas ng Hong Kong. Aniya, ang pangangamba ng Amerika sa pagpapataw ng sangsyon sa mga organong pinansyal at mga opisyal ng HKSAR ay isa pang halimbawa ng hegemonismo ng Amerika.

 

Salin: Vera

Please select the login method