Idaraos sa Shanghai sa unang dako ng Nobyembre ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
Ayon sa salaysay ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina nitong Linggo, Oktubre 25, 2020, isinasagawa ng Shanghai, sa kauna-unahang pagkakataon, ang paperless customs clearance, at aktibong pinapasulong ang pagha-halo ng online at offline platform.
Sa kasalukuyan, nakapasa na sa customs clearance ang mga itatanghal na paninindang nagkakahalaga ng mahigit 8.7 milyong dolyares.
Ang Ika-3 CIIE ay magpopokus pangunahin na, sa offline platform.
Sa taong ito, mas malaki ang saklaw ng sona ng pagtatanghal, at mas maayos ang alokasyon ng mga pabilyon.
Ibayo pang palalakasin ng nasabing ekspo ang pagpigil at pagkontrol sa panganib ng pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ayon sa kaukulang kahilingan.
Salin: Vera