Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong 2020, 23.12 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina, at ito ay lumago ng 0.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ito aniya ang kauna-unahang paglaki ng nasabing datos sa loob ng taong ito.
Kaugnay nito, tinukoy nitong Miyerkules, Oktubre 14, 2020 ni Li Xingqian, Direktor ng Departamento ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, kapuwa naging rekord sa kasaysayan ang pag-aangkat at pagluluwas, at saklaw ng pagluluwas ng bansa.
Aniya, nagiging matatag at bumubuti ang kalakalang panlabas, at mas maganda ito kaysa ekspektasyon.
Isinalaysay ni Li na bumubuti rin ang alokasyon ng pamilihang pandaigdig.
Kabilang dito, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nagsilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina: lumaki ng 1.5% ang pag-aangkat at pagluluwas sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at aktibong bumabalik ang pagluluwas sa mga tradisyonal na pamilihan sa Europa at Amerika.
Saad ni Li, mabilis ding umuunlad ang mga bagong industriya na gaya ng cross-border e-commerce at market purchasing. Lumaki ng 52.8% at 35.5% ang pagluluwas ng e-commerce at market purchasing.
Salin: Vera
Kalakalang panlabas ng Tsina, lumago ng 0.7% noong unang tatlong kuwarter ng 2020
Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong unang hati ng 2020, bumaba ng 3.2%
Bolyum ng kalakalan ng mga paninda sa buong mundo sa 2020, bababa ng 9.2% — WTO
Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong Abril, bumaba ng 0.7%
Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong unang 8 buwan ng 2020, may magandang prospek sa hinaharap