Sinabi nitong Lunes, Oktubre 26, 2020 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang kooperasyong pandaigdig ay susi para madaig ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), krisis ng klima, pasidhi nang pasidhing di-pagkakapantay-pantay at pagkalat ng kapootan.
Nang araw ring iyon, isang pormal na aktibidad ang itinaguyod sa punong himpilan ng UN sa New York, bilang paggunita sa ika-75 United Nations Day.
Sa kanyang talumpati sa nasabing aktibidad, saad ni Guteres, sa pamamagitan ng komong pagpupunyagi, saka lamang maisasakatuparan ng buong mundo ang mga dakilang target na gaya ng pagpigil sa mga sagupaan, pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad, pangangalaga sa karapatang pantao at pagtanggol sa mundo.
Salin: Vera