Sa kabila ng mahirap na kalagayan, lumaki ang foreign direct investment (FDI) ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng taong ito.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Oktubre 28, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paglaki ng puhunang dayuhan sa mahirap na kondisyon ay boto ng kompiyansa ng mga kompanyang dayuhan sa prospek ng pag-unlad ng bansa.
Ito rin aniya ay bunga ng tuluy-tuloy na pagpapasulong ng bansa sa reporma at pagbubukas labas.
Ayon sa ulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) nitong Martes, bumaba ng 49% ang FDI ng buong mundo noong unang hati ng taong ito, pero sa kabila nito, bumangon ang FDI ng Tsina.
Tinukoy ni Wang na sa kasalukuyan, pinapabilis ng Tsina ang pagbuo ng bagong kayarian ng pag-unlad, kung saan, domestikong sirkulasyon ang mahalagang elemento.
Dagdag pa niya, maaaring magkomplimento at pasulungin ng domestiko at internasyonal na sirkulasyon ang isa’t isa.
Pagpasok ng taong ito, dalawang beses aniyang inilunsad ng Tsina ang mga bagong patakaran sa pagpapatatag ng puhunang dayuhan, inilabas ang bagong negatibong listahan ng buong bansa at free trade pilot zone, itinayo ang puwerto ng malayang kalakalan ng Hainan, idinagdag ang tatlong free trade pilot zone, at tuluy-tuloy na pinabuti ang kapaligirang pangnegosyo.
Bukod pa riyan, nitong nakalipas na 6 na buwang singkad, nanatiling positibo ang buwanang paglaki ng puhunang dayuhan na na pumasok sa Tsina, saad niya.
Salin: Vera