Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes, Oktubre 22, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Setyembre ng 2020, 718.81 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina, at ito ay lumaki ng 5.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Isinalaysay ni Zong Changqing, Direktor ng Departamento ng Puhunang Dayuhan ng nasabing ministri, na nagiging matatag sa kabuuan ang tunguhin ng pag-akit ng puhunang dayuhan ng bansa, at mas malinaw ang paglaki nito sa ika-3 kuwarter.
Tinukoy niyang noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, ibayo pang pinabuti ang estruktura ng pag-akit ng puhunang dayuhan ng bansa, at matatag na tumaas ang kompiyansa ng mga dayuhang mangangalaga sa pamumuhunan.
Ayon sa pagtaya, sa normal na kalagayan, magpapatuloy ang tunguhin ng paglago ng puhunang dayuhan sa darating na tatlong buwan, at may pag-asang maisasakatuparan ang target ng pagpapatatag ng puhunang dayuhan sa buong taon.
Salin: Vera