CMG Komentaryo: Mga pulitikong Amerikano, bakit hindi suriin ang sarili, habang pinagninilayan ng buong Amerika ang pagkabigo sa pagpigil sa pandemiya?

2020-10-30 16:01:38  CMG
Share with:

Hanggang sa kasalukuyan, lampas na sa 8.8 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, samantalang mahigit 220,000 ang mga pumanaw.
 

Binigyang pansin kamakailan ng iba’t ibang sirkulo ng Amerika ang napakalaking kabiguan ng pamahalaan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.
 

Inilabas kamakailan ang dokumentaryo hinggil sa paglaban sa pandemiya na pinamagatang “Totally Under Control.” Ang dokumentaryong ito ay idinirek ni Alex Gibney, kilalang Amerikanong Direktor at Oscar Awardee, kasama ng ibang mga direktor. Tinukoy sa dokumentaryo na kumpara sa mga kamaliang teknikal, ang bigong hakbangin ng kasalukuyang administrasyon ay susi ng kawalan ng kontrol sa pagtugon sa pandemiya sa Amerika.
 

Sa kanya namang kalalathalang aklat na “American Crisis,” tinukoy ni Governor Andrew Cuomo ng New York State, na hindi itinatanggi ng pamahalaang pederal ng Amerika ang pananagutan nito sa deadlock ng paglaban sa pandemiya na kinakaharap ng kanyang estado. Samantala, binigyan niya ng positibong pagtasa ang bunga ng Tsina sa pagpigil sa pandemiya, at pinasalamatan ang maraming gamit kontra epidemiya na ibinigay ng panig Tsino sa panig Amerikano.
 

Halos ang lahat ng mga impormasyon sa nasabing dokumentaryo at aklat ay nagbubunyag ng isang malupit na katotohanan: ang pananaig ng konsiderasyong pulitikal sa lahat ng mga pangyayari ay nananatiling ideolohiya ng pamahalaang Amerikano sa paglaban sa pandemiya.
 

Tulad ng babala ni Rick Bright, dating opisyal ng National Institutes of Health (NIH), papasok ang Amerika sa pinakamadilim na taglamig sa modernong kasaysayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method