Ika-3 CIIE tapos na; $72.62 bilyong kasunduan, narating

2020-11-10 17:55:47  CMG
Share with:

Ipininid ngayong araw, Martes, ika-10 ng Nobyembre 2020, sa Shanghai, ang 6-araw na Ika-3 China International Import Expo (CIIE).

 

Ayon kay Sun Chenghai, Pangalawang Puno ng tagapag-organisa ng CIIE, sa naturang ekspo, nilagdaan ang mga inisyal na kontrata ng pagbili ng mga paninda at serbisyo, na nagkakahalaga ng $72.62 bilyon na maisasakatuparan sa loob ng darating na isang taon.

 

Ang halagang ito ay mas malaki ng 2.1% kumpara sa nagdaang CIIE.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method