Binuksan ngayong araw, Nobyembre 11, 2020 sa lunsod Shenzhen, Lalawigang Guangdong ng Tsina ang Ika-22 China Hi-Tech Fair, sa pamamagitan ng kapuwa online at offline platform.
Kalahok sa offline exhibition ang 24 na bansa at organisasyong pandaigdig, samantalang kasali naman sa online exhibit ang 29 na bansa at organisasyong pandaigdig.
Kabilang dito, sumasali sa kauna-unahang pagkakataon ang mga bansang gaya ng Luxembourg, Republika ng Montenegro, Slovenia at Uruguay.
Samantala, sa news briefing nitong Martes, isinalaysay ni Ai Xuefeng, Pangalawang Direktor ng Lupong Tagapag-organisa ng nasabing perya at Pangalwang Alkalde ng Shenzhen, na ang tema ng kasalukuyang aktibidad ay “pagbabagong dala ng siyensiya’t teknolohiya sa pamumuhay, pagpapasulong ng inobasyon sa pag-unlad.”
Aniya, ang peryang ito ay may mahalagang papel sa pagpapataas ng lebel ng inobasyong pansiyesiya’t panteknolohiya; pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa siyensiya, teknolohiya at ekonomiya; pagpapalakas ng kakayahan sa pagharap sa krisis; at pagpapaibayo ng lakas-panulak ng pag-unlad ng kabuhayan.
Sa kauna-unahang pagkakataon, itinatanghal sa nasabing perya ang mga gamit na komersyal ng 5G. Bukod diyan, mayroon din itong bahagi na ginaganap sa bagong sona ng siyensiya’t teknolohiya kontra epidemiya.
Lampas sa 140,000 metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng pagtatanghal sa kasalukuyang perya at kasali rito ang mahigit 3,300 eksibitor na Tsino’t dayuhan.
Ang Ika-22 China Hi-Tech Fair ay tatagal hanggang sa Nobyembre 15, 2020.
Salin: Vera