Pangulong Tsino, magtatalumpati sa mga pulong ng BRICS, APEC, at G20

2020-11-12 19:11:17  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 17 hanggang 22, 2020, magkakasunod na dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-12 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa), Ika-27 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), at Ika-15 Summit ng G20.
 

Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Nobyembre 12, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na ipakikita ng pagdalo ni Pangulong Xi sa nasabing tatlong pulong ang mataas na pagpapahalaga ng panig Tsino sa pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig.
 

Ani Wang, bibigkas ng mahalagang talumpati sa nasabing mga pulong si Xi para komprehensibong ilahad ang paninindigang Tsino at iharap ang mga mungkahi kaugnay ng pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig.
 

Salin: Lito

Please select the login method