Premyer Tsino, dumalo sa ika-23 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN

2020-11-12 20:35:05  CMG
Share with:

Magkasamang nangulo Huwebes, Nobyembre 12, 2020 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Minsitro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam sa Ika-23 Virtual Meeting ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (10+1).
 

Saad ni Li, sa proseso ng magkasamang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bumuti pa rin ang kalakalan ng Tsina at ASEAN, at ang ASEAN ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina.
 

Aniya, sa mula’t mula pa, ang ASEAN ay itinuturing na priyoridad ng diplomasya ng Tsina sa mga kapitbansa.
 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ASEAN, na patibayin ang mapagkaibigang pagkakapitbansa, buong tatag na tahakin ang landas ng mapayapang pag-unlad, igiit ang multilateralismo at malayang kalakalan, at pasulungin ang kooperasyon ng kapuwa panig sa iba’t ibang larangan tungo sa pag-ani ng mas maraming pragmatikong bunga.
 

Ipinahayag ni Li na aktibong isasaalang-alang ng Tsina ang pangangailangan ng mga bansang ASEAN sa bakuna ng COVID-19, ilulunsad sa lalong madaling panahon ang network ng pangkagipitang liasyon ng kalusugang pampubliko ng Tsina at ASEAN, at mainam na itataguyod ang porum ng Tsina at ASEAN sa kooperasyong pangkalusugan.
 

Inaantabayanan aniya ng panig Tsino ang paglagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa malapit na hinaharap.
 

Premyer Tsino, dumalo sa ika-23 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN

Kasama ng ASEAN, sinabi pa ni Li na pasusulungin ng Tsina ang pagpapatupad sa kasunduan sa malayang kalakalan, at pag-upgrade sa mga kaukulang protokol, para mapataas ang lebel ng liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan ng rehiyon.
 

Ipinagdiinan ni Li na matatag ang determinasyon ng panig Tsino upang marating ang Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa lalong madaling panahon.
 

Hinggil dito, nanawagan siya sa iba’t ibang panig na pabilisin ang proseso ng pagsasanggunian, sa pamamagitan ng pleksible at pragmatikong paraan.
 

Binigyan naman ng mataas na pagtasa ng mga kalahok na lider ng ASEAN ang pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN.
 

Ipinalalagay nilang ito ay isa sa mga pinakamalakas at pinakamasiglang relasyon sa mga partnership ng ASEAN.
 

Inilabas din sa pulong ang plano sa pagpapatupad ng magkakasanib na deklarasyon ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN tungo sa kapayapaan at kasaganaan mula taong 2021 hanggang 2025, at mungkahi ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagtatatag ng kooperatibong partnership sa digital economy.
 

Ang taong 2021 ay itinuturing na taon ng kooperasyon sa sustenableng pag-unlad ng Tsina at ASEAN, ayon sa nasabing pulong.
 

Salin: Vera

Please select the login method