Tsina, nagpupunyagi para marating ang COC sa lalong madaling panahon

2020-11-12 16:52:29  CMG
Share with:

Palagian at matatag ang determinasyon ng Tsina upang marating ang Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa lalong madaling panahon.
 

Ito ang winika ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang pagdalo sa Ika-23 Virtual Meeting ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (10+1) na ginanap Huwebes, Nobyembre 12, 2020.
 

Saad ni Li, bilang ini-upgrade na bersyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), magiging mas substansyal ang nilalaman ng COC, at mas mabisa itong maisasagawa.
 

Ipagkakaloob aniya nito ang garantiyang pansistema para sa kapayapaan ng South China Sea.
 

Dagda ni Li, nananawagan ang panig Tsino sa iba’t ibang panig na panaigan ang hadlang ng pandemiya, at pabilisin ang proseso ng pagsasanggunian, sa pamamagitan ng pleksible at pragmatikong paraan.
 

Nakahanda ang panig Tsino na isaalang-alang ang pagdaraos ng face-to-face negotiation, pagkaraang makontrol ang kalagayan ng pandemiya, upang mapasulong ang ika-2 pagbasa sa COC, saad pa ni Li.
 

Salin: Vera

Please select the login method