Ginanap Huwebes, Nobyembre 12, 2020 ang Ika-23 Virtual Meeting ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (10+1).
Sinabi rito ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kahit humina ang kabuhaya’t kalakalang pandaigdig, at grabeng naaapektuhan ang pagpapalitan ng mga tauhan, bumuti pa rin ang kalakalan ng Tsina at ASEAN noong unang tatlong kuwarter ng taong ito.
Aniya, lumaki ng mahigit 70% ang pamumuhunan ng Tsina sa ASEAN, at ang ASEAN ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Tinukoy ni Li na ang paggigiit ng iba’t ibang panig sa mapagkaibigang pagkakapitbansa, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, diyalogo at pagsasanggunian ay mga susi sa pagpapanatili sa mainam na tunguhin ng kooperasyong Sino-ASEAN.
Salin: Vera