CMG Komentaryo: Pagtatayo ng pinakamalaking FTA sa buong daigdig, isang napakalaking tagumpay ng multilateralismo

2020-11-16 15:28:45  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pagtatayo ng pinakamalaking FTA sa buong daigdig, isang napakalaking tagumpay ng multilateralismo

Matapos ang 28 pormal na talastasan sa walong taon, sa pamamagitan ng video link, maalwang natapos nitong Linggo, Nobyembre 15, 2020 ang seremonya ng paglagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Sa pamamagitan nito, nabuo ang Free Trade Area (FTA) na may pinakaraming populasyon, pinakamaraming komposisyon ng miyembro, at pinakamalaking potensyal ng pag-unlad sa buong daigdig.

 

Ang pagkakalagda sa RCEP ay hindi lamang nakakapagpalalim ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon at nakakapagpasigla sa kabuhayang pandaigdig sa ilalim ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kundi nagpapakita rin ito ng malakas na mithiin ng mga bansa sa rehiyon na suportahan ang multilateralismo at malayalang kalakalan.

 

Kaya napatunayan nito sa buong daigdig na ang pagbubukas at kooperasyon ay siyang tanging tumpak na porma para sa pagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta.

CMG Komentaryo: Pagtatayo ng pinakamalaking FTA sa buong daigdig, isang napakalaking tagumpay ng multilateralismo

Bukod dito, maaaring mas lubos na mapatingkad ng nasabing kasunduan ang mga bentahe ng iba’t-ibang kasaping bansa, ibayo pang mailabas ang kasiglahan at potensyal ng paglaki ng kabuhayan sa Silangang Asya, at mapasulong ang kaunlaran at kasaganaang panrehiyon.

 

Sa pagkakalagda ng RCEP, mas mabuting mapapatingkad ng Tsina ang bentahe ng napakalaking merkado at potensyal ng pangangailang panloob, at mapapasulong ang pagbubukas sa labas sa mas mataas ne lebel para ibahagi ang mas maraming benepisyo sa buong daigdig.

 

Salin: Lito

Please select the login method