Paglagda ng RCEP, makakapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang panrehiyon

2020-11-17 16:13:38  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Nobyembre 16, 2020 sa Beijing ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paglagda ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay mabisang paraan na makakapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang panrehiyon.
 

Saad ni Zhao, ang maayos na pagpirma sa RCEP ay nangangahulugang nabuo ang sona ng malayang kalakalan na may pinakamaraming populasyon, pinakadibersipikadong estruktura ng mga kasapi, at pinakamalaking nakatagong lakas ng pag-unlad sa daigdig. Ito rin ang mahalagang tagpo sa kasaysayan ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
 

Ang pagkalagda ng RCEP ay nagpapakitang buong tatag na pinangangalagaan ng iba’t ibang panig ang multilateralismo at malayang kalakalan, kumakatig sa bukas, makatwiran at win-win na multilateral na sistemang pangkalakalan, at nagpupunyagi para sa pagkakaisa, pagtutulungan at pagharap sa iba’t ibang hamon.
 

Salin: Vera

Please select the login method