201 dokumentong pangkooperasyon ng “Belt and Road,” nilagdaan ng Tsina, 138 bansa at 31 organisasyong pandaigdig

2020-11-18 11:04:21  CMG
Share with:

Isinalaysay nitong Martes, Nobyembre 17, 2020 ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na sa harap ng epekto ng pandemiya ng COVID-19, napakalakas na pleksibilidad ang nakikita sa kooperasyon ng magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road.”

 

Sinabi ni Meng na hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan na ng Tsina, 138 bansa at 31 organisasyong pandaigdig, ang 201 dokumentong pangkooperasyon tungkol sa magkakasamang pagtatayo ng “Belt and Road.”

 

Ayon kay Meng, noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa 963.42 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng “Belt and Road.” Lumampas naman sa 13 bilyong dolyares ang di-pinansyal na direktang pamumuhunan sa nasabing mga bansa na mas malaki ng 29.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

 

Salin: Lito

Please select the login method