Sa kanyang keynote speech sa pamamagitan ng video link sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Dialogues nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2020, muling ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatatag ng bansa ng bagong development paradigm na may "open, mutually reinforcing" na sirkulasyong domestiko at internasyonal.
Sa tatlong anggulo na kinabibilangan ng pamilihan, pagbubukas at pagtutulungan, sistematikong inilahad niya ang hinggil sa kung paanong makakapaghatid ang bagong pilosopiya ng pag-unlad ng Tsina ng benepisyo sa buong mundo.
Tinukoy ni Xi na ang pagtatatag ng naturang development philosophy ay isang estratehikong pagpili na ginawa batay sa kasalukuyang yugto ng pag-unlad ng sariling kondisyong pangkaunlaran ng Tsina, at alang-alang sa globalisasyong pangkabuhayan at pagbabago ng kapaligirang panlabas.
Saad ni Xi, lubos na pasisiglahin ang nakatagong lakas ng pamilihang Tsino, para lumikha ng mas maraming pangangailangan sa iba’t ibang bansa ng daidig. Ibayo pang palalawakin ang pagbubukas ng Tsina, para ibahagi sa buong mundo ang pagkakataong pangkaunlaran. Walang humpay na palalalimin ang kooperasyon ng Tsina sa labas, para maisakatuparan, kasama ng iba’t ibang bansa, ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Nakikita sa nasabing mga pahayag ng Pangulong Tsino ang isang masusing salita na “pagbabahagi.” Nagpapakita ito ng katapatan at pananagutan ng Tsina sa pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at komong kaunlaran ng mundo.
Ang pagpirma sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay nakapagpasulong sa pagsisimula ng konstruksyon ng pinakamalaking sona ng malayang kalakalan sa daigdig, at nakapagpasulong din ito sa proseso ng Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP). Bilang buong tatag na tagapagsuporta ng kooperasyong Asya-Pasipiko, masipag na pinapasulong ng Tsina, kasama ng iba’t ibang ekonomiya, ang pagiging makatotohanan ng ekspektasyon ng FTAAP, at paglikha ng mas malaking lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera