Pangulong Tsino at Aleman: patuloy na lalabanan ang COVID-19 at palalakasin ang kooperasyon sa kabuhayan

2020-11-25 16:00:58  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono kagabi, Martes, ika-24 ng Nobyembre 2020, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, sinabi ni Xi, na sa harap ng grabe pa ring kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ilang lugar ng daigdig na kinabibilangan ng Europa, nananatiling pangunahing tungkulin ng iba’t ibang panig ang magkakasamang paglaban dito.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Alemanya, na palakasin ang kooperasyong may kinalaman sa mga bakuna kontra COVID-19, at pasulungin ang pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna sa buong daigdig.

 

Dagdag ni Xi, kasalukuyang binubuo ng Tsina ang bagong kayarian ng pag-unlad, at iginigiit ang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at ito ay magdudulot ng mga bagong pagkakataon para sa Alemanya.

 

Umaasa aniya siyang pananatilihin ng Alemanya ang pagbubukas sa mga bahay-kalakal na Tsino.

 

Kaugnay naman ng kooperasyong Sino-Europeo, ipinahayag din ni Xi ang pag-asang tatapusin alinsunod sa iskedyul ang talastasan tungkol sa kasunduan sa pamumuhunan ng Tsina at Europa, at palalakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa berdeng pag-unlad at digital economy.

 

Positibo naman si Merkel sa pagbangon ng kabuhayang Tsino, at ito aniya ay magandang balita para sa mga bahay-kalakal na Aleman.

 

Ipinangako rin ni Merkel na pasusulungin ang pagtatapos ng talastasan tungkol sa kasunduan sa pamumuhunan ng Europa at Tsina sa loob ng taong ito, at pananatilihin ang mainam na pag-unlad ng relasyon ng Alemanya at Europa sa Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method