Ginanap nitong Martes, Nobyembre 24, 2020 sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang Belt and Road Forum for International Cooperation on Cyberspace.
Ipinalalagay ng maraming kalahok na dalubhasa na namumukod ang isyu ng kawalang balanse ng mga bansa sa timog na bahagi at hilagang bahagi ng Belt and Road.
Anila, medyo atrasado ang pundasyon at aplikasyon sa Gitnang Asya, Timog-silangang Asya at Timog Asya, kaya patuloy na nagiging mahalaga ang pagpawi sa “digital divide,” pagbibigay-tulong sa mga bansa’t rehiyon kung saan di-maunlad ang digital technology, at pagbabahagi ng buong mundo ng benepisyo ng digital economy.
Salin: Vera