“Fast track” ng Tsina at Hapon, pasisimulan

2020-11-26 11:26:11  CMG
Share with:

Sa panahon ng kanyang pagbisita sa Hapon, ipinatalastas ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kasama ang counterpart na Hapones  ang pagtatatag ng “fast track” para sa pagpapalagayan ng mga tauhang Tsino at Hapones sa lalong madaling panahon.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 25, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matapos ang mapagkaibigang pagsasanggunian, nagkasundo ang pamahalaang Tsino at Hapones na dahil sa mahigpit na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), itatatag ang nasabing “fast track” sa Nobyembre 30 ng kasalukuyang taon.

 

Ani Zhao, ito ay positibong hakbangin para mapasulong ang pagpapalagayan ng mga tauhan ng dalawang panig, at suportahan ang pagpapanumbalik ng trabaho at produksyon sa kalagayan ng pagiging “normal” ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method