Xi Jinping: Tsina at ASEAN, itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan

2020-11-27 11:17:21  CMG
Share with:

Xi Jinping: Tsina at ASEAN, itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan

Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng talumpati ngayong araw, Biyernes, ika-27 ng Nobyembre, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).

 

Ipinahayag ni Xi, na nitong 7 taong nakalipas sapul nang iharap niya noong 2013 ang magkakasamang pagtatatag ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng 21st-Century Maritime Silk Road at mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN, ang relasyong Sino-ASEAN ay nagsilbing pinakamatagumpay at pinakamasiglang halimbawa sa rehiyonal na kooperasyon sa Asya-Pasipiko, at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Binigyang-diin ni Xi, na itinuturing ng Tsina ang ASEAN bilang priyoridad ng diplomasya sa mga bansang nakapaligid, at pokus sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ASEAN, na pasulungin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, at panatilihin ang mainam na tunguhin ng kasaganaan at kaunlaran sa rehiyong ito.

 

Iniharap din ni Xi ang apat na mungkahi para sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Una, dagdagan ang pagtitiwalaang estratehiko, at palalimin ang koordinasyon ng mga planong pangkaunlaran.

 

Ikalawa, pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at pabilisin ang komprehensibong pagbangon ng rehiyonal na kabuhayan.

 

Ikatlo, pasulungin ang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, at palalimin ang kooperasyon sa digital economy.

 

At ikaapat, pasulungin ang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at palakasin ang kakayahan sa kalusugang pampubliko.

 

Dagdag ni Xi, sa pamamagitan ng walang humpay na pagpapasulong ng Tsina ng pagbubukas sa labas, magiging mas malawak ang espasyo ng kooperasyong Sino-ASEAN.

 

Umaasa rin aniya siyang, sa pamamagitan ng CAEXPO at CABIS, idudulot ng Tsina at ASEAN ang mas maraming pagkakataong pangnegosyo, at matatamo ang mas maraming bunga, para magkakasamang lumikha ng mas masagana at magandang kinabukasan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method