Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Pinasinayaan Lunes ng gabi, Nobyembre 23, 2020 ang Ika-2 China-ASEAN TV Week na may temang “Kooperasyon, Inobasyon, Konektibidad, at Pag-uugnayan.”
Sa seremonya ng pagbubukas, isinapubliko ang 25 mabuting huwaran ng pagpapalaganap sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag ni Meng Dong, Pangalawang Puno ng National Radio and Television Administration ng Tsina, ang pag-asang walang humpay na mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng Tsina at mga bansang ASEAN at mapapabuti ang porma ng kanilang kooperasyon para mas mainam na maipahayag ang mga kuwentong Tsino at ASEAN.
Salin: Lito
Pulido: Rhio