FoodPhilippines, tampok sa 2020 China-ASEAN Expo

2020-11-28 18:58:28  CMG
Share with:

 

Binuksan Nobyembre 27 ang 2020 China-ASEAN Expo, sa Nanning, Guangxi, Tsina. Tatagal ito hanggang Nobyembre 30.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina at puno ng delegasyon, kasama ng iba pang mga kinatawan ng Tsina at ASEAN, ay magkakasamang nagsagwan bilang simbolo ng kooperasyon para sa komong kasaganaan.

 

FoodPhilippines, tampok sa 2020 China-ASEAN Expo

 

Taun-taon lumalahok ang Pilipinas sa CAEXPO sapul nang unang expo noong 2004.

 

Sa 2020 CAEXPO, healthy and natural ang tema ng mga panindang Pilipino. Mahigit 30 MSMEs na Pilipino ang kalahok dito.

 

FoodPhilippines, tampok sa 2020 China-ASEAN Expo

 

Kabilang dito ay processed food na gaya ng coconut water, dried mango, banana chips, coconut oil, coconut flour, coconut sap vinegar, at iba pa.

 

FoodPhilippines, tampok sa 2020 China-ASEAN Expo

 

Itatampok din sa pabilyon ng Pilipinas ang personal care, turismo at serbisyong pang-edukasyon.

 

Layon ng 2020 CAEXPO ang kooperasyon sa digital economy. Isinasagawa sa ekspo ang on-site exhibition at online promotion.

 

FoodPhilippines, tampok sa 2020 China-ASEAN Expo

 

Maaaring makita ng mga mamimili ang mga paninda ng 30 Philippine exhibitors sa pamamagitan ng website na www.foodphilippines.cn. Ang mga interesadong mamimili ay maaaring makipag-ugnayan sa mga exhibitor na Pilipino sa on-site virtual conference pods o pag-iskedyul ng conference call sa pamamaigitan ng Zoom at WeChat.

 

Noong 2019 CAEXPO, mahigit US$12 milyon ang kinita ng Pilipinas. At umabot sa 1,830 ang nakuhang trade inquiries.

 

Ipinahayag ni Consul General to Guangzhou Marshall Louis Alferez ang pag-asang magiging mas masigla ang kooperasyong Pilipino-Sino para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

 

Sa kanyang talumpati sa 2020 CAEXPO, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang pagbati sa pagdaos ng taunang expo sa gitna ng COVID-19, at patuloy na suporta sa komong kasaganaan ng ASEAN-China Economic Community.

 

FoodPhilippines, tampok sa 2020 China-ASEAN Expo

 

 

Ulat/Video: Jade

Pulido: Mac

Video/Photo credit: Guangxi TV, RTVM, DTI Guangzhou, VCG, CFP

 

 

Please select the login method