Pagpaslang ng Israel sa siyentistang Iranyo, kinondena ni Hassan Rouhani

2020-11-29 13:00:43  CMG
Share with:

Kinumpirma nitong Biyernes, Nobyembre 27, 2020 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Iran na sinalakay at pinaslang ng mga “armadong terorista”  nang araw ring iyon sa Teheran ang ekspertong siyentistang nuklear ng Iran na si Mohsen Fakhri Zadeh.

 

Kaugnay nito, sa kanyang pagdalo sa isang pulong na ginanap Nobyembre 28, ipinaabot ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran ang pakikiramay sa mga kamag-anakan at kaibigan ni Fakhri Zadeh.

 

Ipinahayag niya na hindi mahahadlangan ng mga teroristikong aksyon ang patuloy na pagpupunyagi ng mga siyentistang Iranyo.

 

Aniya, ang nasabing teroristikong pananalakay ay resulta ng tuluy-tuloy na pagkabigo ng mga kaaway ng Iran sa larangan ng siyensiya, pulitika, at iba pang larangan.

 

Naibunyag aniya ng pananalakay ang masamang hangarin at ostilong patakaran ng mga terorista laban sa Iran, ani Rouhani.

 

Bukod kay Rouhani, tinukoy din ng maraming personahe mula sa panig militar at sirkulong pulitikal ng Iran na ang nasabing pananalakay ay may kaugnayan sa Israel.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Sabado ng tagapagsalita ng Iranian Atomic Energy Organization na minsa’y nabanggit ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel si Fakhri Zadeh.

 

Ngunit sinabi rin ni Netanyahu na walang anumang plano ang Iran na gumamit ng lakas nuklear sa kaparaanang militar.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method