Kaugnay ng pagbatikos sa Tsina ni Punong Ministro Justin Trudeau ng Kanada hinggil sa di-umano ay di-makatuwirang pagpigil ng panig Tsino sa mamamayang Kanadyano, ipinahayag sa isang regular na preskon nitong Martes, Nobyembre 10, 2020, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na di-uubra ang “coercive diplomacy” sa Tsina.
Muli aniyang hinihimok ng panig Tsino ang Kanada na tumpak na pakitunguhan ang pundamental na sanhi ng kaso ni Meng Wanzhou.
Di-malulutas ang mga problema, sa pamamagitan ng pagtatakip sa katotohanan at panlilinlang sa publiko, dagdag niya.
Diin ni Wang, ang pag-aresto at pagsakdal sa mga mamamayang Kanadyano ng kagawaran ng hudikatura ng Tsina ay base at alinsunod sa batas, at ginawa ito dahil sa kasong pagsasapanganib ng pambansang seguridad ng Tsina.
Pero sa kabilang dako aniya, si Ginang Meng Wanzhou ay di-makatarungang pinipigil ng panig Kanadyano, sa loob ng mahigit 700 araw, kahit walang paglabag sa anumang batas ng Kanada.
Salin: Vera
Tsina sa Kanada: tumahak patungo sa parehong layunin kasama ng Tsina
Ban sa Huawei, pinalawak ng Amerika; Tsina sa Amerika: agarang iwasto ang kamalian
Tsina, muling hinimok ang Kanada na maayos na resolbahin ang kaso ni Meng Wanzhou
Mas maraming detalye ng pagtatagpo ni Meng Wanzhou at mataas na opisyal ng HSBC, isinapubliko