Isang pirmihang pulong ang idinaos nitong Martes, Disyembre 1, 2020 ng Konseho ng Estado ng Tsina kaugnay ng kalalagdang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Tinukoy sa pulong na bilang kasaping bansa ng RCEP, dapat aktibong pasulungin ng Tsina ang pagpapatupad at pagkakabisa ng RCEP, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Nanawagan ang mga kalahok sa pulong na kailangang magpunyagi upang mapasulong ang pagbubukas ng kalakalan ng paninda at serbisyo, pamumuhunan at iba pang larangan.
Samantala, patataasin ang pamantayan at regulasyon sa liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR), e-commerce, at kooperasyong ekonomiko at panteknolohiya.
Humiling din ng mga kalahok ng pulong na masikap na ipatupad ang pangako ng Tsina sa foreign-investment negative list at pangangalaga sa IPR.
Salin: Vera