Ipinahayag kamakailan ni Margit Molner, dalubhasa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), na bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, mahalagang mahalaga para sa buong mundo ang katuturan ng pagbangon ng kabuhayang Tsino, makaraan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Saad niya, kasabay ng tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayang Tsino, hindi lamang ipinagkakaloob ng Tsina ang mga kinakailangang produkto sa ibang bansa, kundi unti-unti ring napapanumbalik ang pangangailangan nito sa hilaw na materyal at mga consumer product mula sa ibayong dagat.
Sa usapin naman ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ipinalalagay ni Molner na ang pagkakalagda nito ay nagpapakita ng kahalagahan ng kooperasyong panrehiyon at pandaigdig.
Dagdag niya, palagiang iminumungkahi at sinusuportahan ng OECD ang kooperasyon, at winewelkam ang ganitong kasunduan sa pagpapasulong sa kooperasyon.
Salin: Vera