CMG Komentaryo: Mga pulitikong kanluranin na sumusuporta kay PM Morrison, selektibong nagbubulag-bulagan ba?

2020-12-04 15:51:55  CMG
Share with:

Nitong nakalipas na ilang araw, ang insidente ng pagpatay ng mga sundalong Australyano ng mga inosenteng sibilyan sa Afghanstan ay mariing kinokondena ng iba’t ibang panig. Higit sa lahat, ang walang batayang pagbatikos sa Tsina ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australya at paghiling ng paumanhin mula sa Tsina ay nagsilbing isang katatawanan ng komunidad ng daigdig.

CMG Komentaryo: Mga pulitikong kanluranin na sumusuporta kay PM Morrison, selektibong nagbubulag-bulagan ba?

Pero nanggugulo sa kalagayan ang mga putiliko at media ng ilang kaalyansa ng Australya, at nagbantang lalabanan ang Tsina, kasama ng Australya.
 

Ano ang tunay na tangka nila?
 

Unang una, tulungan ang panig Australyano na ibaling sa Tsina ang sisi, at ilihim ang krimen. Sa mga bansang kanluranin, normal ang pagkomento sa mga suliraning pulitikal, sa pamamagitan ng mga karikaturang nababatay sa katotohanan. Pero bakit hindi pinahintulutan nila ang karapatan ng mga artist na Tsino sa paglikha ng editorial cartoon? Sa katunayan, ito ang paglalaro ng ilang bansang kanluranin ng double standard, para ipahayag ang kanilang suporta sa mga kaalyansa, sa kabila ng katarungang pandaigdig at budhing moral.
 

CMG Komentaryo: Mga pulitikong kanluranin na sumusuporta kay PM Morrison, selektibong nagbubulag-bulagan ba?

Sa kabilang dako naman, bilang kaalyansa ng Australya, di-malinis din ang kilos ng hukbong Amerikano at Britaniko. Sa pamamagitan ng matigas na pakikitungo sa Tsina, inililihim ng panig Amerikano at Britaniko ang sariling kamalian at krimen, para pigilan ang pagbubunyag ng kani-kanilang mapagkunwaring imahe sa isyu ng karapatang pantao.

Ang isa pang dahilan ay sa tingin ng ilang pulitikong kanluranin na may pagkiling na ideolohikal, sila ay isang komunidad na may pinagbabahaginang “values” o paniniwala. Madalas nilang binabatikos ang Tsina at ibang bansa, pero ayaw nila ang pagbatikos ng Tsina sa kani-kanilang masasamang kilos.
 

Pantay-pantay ang lahat ng mga bansa sa daigdig, maliit man o malaki. Ang katarungan ay nag-uugat sa puso ng mga tao, at naging malinaw kung sino ang tama at sino ang mali. Sinusuportahan ng ilang pulitikong kanluranin ang pananalita at kilos ni Morrison, subalit nagiging mas malinaw para sa komunidad ng daigdig ang krimen ng mga sundalong Australyano, at maibubunyag din ang sarili nilang masamang aksyon, pagkukunwari at double standard.
 

Salin: Vera

Please select the login method