Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Disyembre 2, 2020, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na baluktot at hindi karapat-dapat ang pagbatikos ng ilang opisyal na Amerikano at Australyano sa panig Tsino.
Dagdag ni Hua, ang mga pagbatikos na nabanggit ay batay sa kasinungalingan at paninirang-puri lamang.
Kaugnay ng krimeng ginawa ng mga sundalong Australyano sa Afghanistan, sinabi ng lider ng Australya na layon nitong pangalagaan ang “values ng estado."
Binatikos naman nitong Miyerkules ng pangalawang tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang panig Tsino dahil sa umano’y “pag-imbento ng litrato” at “pagpapalaganap ng pekeng impormasyon.”
Kaugnay nito, muling ipinagdiinan ni Hua na ang siniping tweet ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ay isang likhang-sining na ginawa ng isang batang artistang Tsino, at hindi litrato o “inimbentong litrato.”
Aniya, ang nasabing likhang-sining ay batay sa katotohanang ikinober ng Australian media at isinapubliko sa ulat ng imbestigasyon ng Ministri ng Depensa ng Australya.
Tinukoy ni Hua, na ang tunay na dahilan ng pagkapoot ng mga kaukulang personahe ay ang pagbatikos o pagkomento ng Tsina sa kani-kanilang kamalian.
Ipinagdiinan pa ni Hua, na buong lakas nilang pinapalaganap ang di-umano’y kanilang “demokratikong values,” karapatang pantao at kalayaan, habang nilalapastangan ang demokrasya, karapatang pantao at kalayaan ng iba.
Ito ay klasikal na pagkukunwari at double standard, diin niya.
Salin: Vera
Tsina, muling hinimok ang Kanada na palayain si Meng Wanzhou
Fauci: Hindi agad na mawawala ang epidemiya ng COVID-19 sa Amerika
Australia, naglalayong ibaling ang pansin at ilipat ang presyur hinggil sa isyu ng Afghanistan
Tsina, walang anumang pananagutan sa masamang kalagayan ng relasyong Sino-Australian