Quantum computational advantage, naisakatuparan ng mga siyentipikong Tsino

2020-12-04 15:58:01  CMG
Share with:

Ipinatalastas Biyernes, Disyembre 4, 2020 ng University of Science and Technology ng Tsina ang isang namumukod na computing breakthrough.
 

Matagumpay na ginawa ng isang grupo ng pananaliksik na pinamumunuan ni Pan Jianwei, kilalang quantum physicist ng Tsina, ang isang quantum computer prototype na pinangalanang “Jiuzhang” kung saan nakita ang 76 photons.

Quantum computational advantage, naisakatuparan ng mga siyentipikong Tsino

200 segundo lamang ang kinailangan para matupad ng quantum computing system ng Jiuzhang ang large-scale Gaussian boson sampling (GBS). Ito ay 100 trilyong ulit na mas mabilis kaysa pinakamabilis na supercomputer sa daigdig ngayon.
 

Salamat sa nasabing computing breakthrough, ang Tsina ay nagsilbing ika-2 bansa sa daigdig na nakakamit ng Quantum computational advantage, o kilala rin bilang "quantum supremacy."
 

Kumpara sa mga conventional computers, kampeon lang ang Jiuzhang sa iisang larangan. Pero malaki ang potensyal ng aplikasyon nito sa maraming larangang gaya ng graph theory, machine learning at quantum chemistry.
 

Salin: Vera

Please select the login method