Inaprobahan na nitong Lunes, Disyembre 7, 2020 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pagbebenta ng mga modernong kasangkapang pangtele-komunikasyon sa Taiwan sa halagang US$280 milyon.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Martes, Disyembre 8 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mariing pagtutol tungkol dito.
Aniya, batay sa pag-unlad ng kalagayan, patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang lehitimo at kinakailangang reaksyon.
Diin pa ni Hua, palagian at malinaw ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng arms sale ng Amerika sa Taiwan, at ang pinakahuling hakbang ng Amerika ay grabeng nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano, at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.
Salin: Lito
Pulido: Rhio