RCEP, magpapalakas ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan - Singapore scholar

2020-12-06 16:24:15  CMG
Share with:

Sa panayam kamakailan sa Chinese media, sinabi ni Yu Hong, mataas na mananaliksik sa East Asian Institute ng National University of Singapore, na ang pagkakalagda sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay magpapalakas ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan.

 

Ani Yu, ang RCEP ay makakatulong sa pag-u-upgrade ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng kanilang industriya ng manupaktura, at pagpapabilis ng industrialisasyon sa pamamagitan ng kani-kanilang bentahe sa mga likas na yaman at lakas manggagawa.

 

Dahil dito aniya, mas mabuting makakalahok ang mga bansang ASEAN sa rehiyonal at pandaigdigang industrial chain, at lalakas ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan.

 

Magbibigay ito ng bagong lakas tagapagpasulong sa paglago ng kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan sa mga bansang ASEAN, at ibang mga kasapi sa RCEP, diin niya.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method