Ipinahayag kamakailan ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran, responsibilidad ng Amerika na maging bahaging muli ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran at ipatupad ang kaukulang obligasyon ng kasunduang ito.
Sinabi ni Zarif na hindi pesimistiko ang Iran sa hinaharap ng kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. Aniya, nilalapastangan ng Amerika ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Iranyo, ngunit hindi natamo ang mga hangarin nito.
Salin: Lito
Pulido: Mac