Iran, tutol sa bagong round ng usapan ukol sa JCPOA

2020-12-08 12:15:18  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 7, 2020 ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na isang milestone ang pagbuo ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at tinututulan ng Iran ang muling pagdaraos ng talastasan tungkol sa JCPOA.
 

Winika ito ni Khatibzadeh bilang tugon sa pahayag ng Ministrong Panlabas ng Alemanya hinggil dito.
 

Ayon sa ulat, sinabi kamakailan ni Heiko Mass, Ministrong Panlabas ng Alemanya, na kailangang marating ang isang upgraded JCPOA, at dapat hadlangan ang plano ng Iran sa ballistic missile program.
 

Saad ng tagapagsalitang Iranyo, buong tatag at hindi magbabago ang paninindigan ng Iran sa JCPOA. Hinimok niya ang ilang bansang Europeo na itigil ang kondisyon ng hindi pagsunod sa nasabing kasunduan.
 

Salin: Vera

Please select the login method