CMG Komentaryo: Pagsisimula ng bagong proseso ng pagharap ng buong mundo sa pagbabago ng klima, sinisimulan ng Tsina

2020-12-14 14:02:33  CMG
Share with:

Sa kanyang video speech sa Climate Ambition Summit kamakailan, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang 3 mungkahi tungkol sa pagsasa-ayos ng klimang pandaigdig sa hinaharap at kabilang dito ang: una, dapat magkaisa para makalikha ng bagong kalagayan ng pagsasa-ayos ng klima na may kooperasyon at win-win na resulta; ikalawa, dapat pasiglahin ang ambisyon para mabuo ang bagong sistema ng pagsasa-ayos ng klima; at ikatlo, dapat palakasin ang kompiyansa at igiit ang bagong luntiang ideya ng pagsasa-ayos ng klima.

 

Bukod dito, ipinatalastas ni Xi ang isang serye ng bagong hakbangin para mabawasan ang pagbuga ng karbon hanggang taong 2030, bagay na nabigyang-direksyon sq bagong proseso sa pagharap sa pagbabago ng klima ng buong daigdig.

 

Kaugnay nito, tinukoy kamakailan ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations, na “walang anumang bakuna ang makakapagbigay-lunas sa mundo,” Kaya kailangang simulan ang aksyon ng buong daigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Solemnang ipinangako ni Pangulong Xi na sa pamumuno ng bagong ideyang pangkaunlaran, ibibigay ng Tsina ang mas malaking ambag para sa usaping ito.

 

Aniya pa, patuloy na magsisikap ang Tsina, bansang laging nagpapahalaga sa kapakanan ng mundo at tumutupad sa pangako, para mapasulong ang pagsasa-ayos sa pagbabago ng klima ng buong daigdig.

 

Bukod dito, tutulungan at pakikilusin nito ang mas maraming bansa para magkakasamang itatag ang isang malinis at magandang daigdig, saad ni Xi.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method