Pangulong Tsino, bumigkas ng talumpati sa Climate Ambition Summit

2020-12-13 13:12:02  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina nitong Sabado, Disyembre 12, 2020 sa Climate Ambition Summit ang serye ng mga bagong hakbangin ng Tsina para harapin ang pandaigdigang isyu ng klima.

 

Ipinagdiinan ni Xi na nitong 5 taong nakaraan, pinasulong ng mga lider ng iba’t-ibang bansa sa pamamagitan ng pinakamalaking determinasyon at katalinuhang pulitikal, ang pagkakaroon ng “Paris Agreement” upang harapin ang pagbabago ng klima.

 

Ang kasunduang ito aniya ay pumasok na sa yugto ng pagsasagawa, bagay na umaani ng malawakang pagsuporta at nilalahukan ng komunidad ng daigdig.

 

Ani Xi, sa kasalukuyan, mabilis na nagbabago ang kayariang pandaigdig, at binibigyan ng mas malaking pansin ang kinabukasan ng pagsasaayos sa klima ng buong daigdig.

Kaugnay nito, iniharap ng pangulong Tsino ang 3 mungkahi na kinabibilangan ng: una, dapat magkaisa para makalikha ng bagong kalagayan ng pagsasaayos ng klima na may kooperasyon at win-win na resulta; ikalawa, dapat pasiglahin ang ambisyon para mabuo ang bagong sistema ng pagsasaayos ng klima; at ikatlo, dapat palakasin ang kompiyansa at igiit ang bagong luntiang ideya ng pagsasaayos ng klima.

 

Tinukoy pa ni Xi na sa mula’t mula pa’y pinahahalagahan ng Tsina ang pagtutupad ng pangako nito.

 

Sa pamumuno ng bagong ideyang pangkaunlaran, nakahanda ang Tsina na magbigay ng mas malaking ambag para sa pagharap ng buong daigdig sa pagbabago ng klima, dagdag pa niya.

Please select the login method