CMG Komentaryo: Pangloloko ng Australia sa isyu ng klima, kailan matatapos?

2020-12-16 15:07:45  CMG
Share with:

Dalawang buwang sinalanta ng  napakalaking sunog ang Fraser Island ng Australia na nakalista sa World  Heritage Site. Sa kabila ng mga obdiyektibong sanhing gaya ng madalas na sukdulang kalagayan ng panahon at pagbabago ng klima sa buong daigdig, ipinakikita rin ng nasabing insidente ang napakalaking negatibong epekto na dulot ng political myopia ng liderato ng Australia. Sanhi nito, hindi inanyayahan si Punong Ministro Scott Morrison ng Australia para magtalumpati sa Climate Ambition Summit na idinaos kamakailan.

 

Sa mula’t mula pa’y nananatiling negatibo ang atityud ng Australia sa isyu ng pagbabago ng klima. Minsa’y ito ang tanging bansang industriyal, bukod sa Amerika, na tumangging lumagda sa “Kyoto Protocol.” Bagama’t lumagda na ngayon ang Australia sa “Kyoto Protocol,” kasunod ng pagtalikod ng Amerika sa kasunduang ito, lumalayo nang lumalayo ang Australia sa kasunduan.

 

Sa epekto ng interests group na gaya ng pagmimina, tinanggihan ng pamahalaang Australyano na gumawa ng batas tungkol sa pangako nitong  target ng pagbabawas ng pagbuga sa Pulong sa Paris hinggil sa Pagbabago ng Klima. Bukod dito, ang Australia ay siya ring tanging maunlad na bansa na hindi sumasailalim sa fuel-efficiency standards.

 

Ang pagharap sa pagbabago ng klima ay komong responsibilidad ng buong sangkatauhan, at ito rin ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayang Australyano. Sa kabila ng mga mga high-sounding words ni Morrison, hindi nito natatakpan ang kanyang tunay na mukha na nagbabalewala sa kapakanan ng mga mamamayang Australyano at pakikipagsabwatan sa mga aktibidad ng interests group sa bansa nito.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method