Martes ng gabi, Disyembre 15, 2020, nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sebastian Pinera ng Chile.
Tinukoy ni Xi na ang relasyong Sino-Chilean ay modelo ng pagkakaisa, pagtutulungan, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano.
Saad ni Xi, pagpasok ng taong ito, sa harap ng pandemiya ng COVID-19, magkakapit-bisig na napanaigan ng kapuwa panig ang mga kahirapan, bagay na nagpapakita ng malalim na pagkakaibigan.
Dagdag niya, dapat lagumin ng magkabilang panig ang karanasan ng pag-unlad ng bilateral na relasyon nitong nakalipas na 50 taon, at patuloy na pasulungin ang paglikha ng mas maliwanag na panahon ng komprehensibo’t estratenikong partnership ng dalawang bansa.
Umaasa aniya siyang patuloy na patitingkarin ng panig Chilean ang positibong papel para sa pangkalahatang kooperasyon ng Tsina at Latin-Amerika.
Inihayag naman ni Pinera ang kahandaang palakasin ang diyalogo’t kooperasyon sa panig Tsino, pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga mahalagang paksa, at magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Nang araw ring iyon, nagpadala ng mensahe sa isa’t isa ang mga lider ng dalawang bansa, bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng bilateral na relasyon.
Salin: Vera