[Op-Ed] Mga pangakong ginawa ni Xi Jinping sa pagharap sa pagbabago ng klima, buong sikap na tinutupad ng Tsina

2020-12-14 18:50:09  CMG
Share with:

[Op-Ed] Mga pangakong ginawa ni Xi Jinping sa pagharap sa pagbabago ng klima, buong sikap na tinutupad ng Tsina

Sa Climate Ambition Summit na idinaos nitong Disyembre 12, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga bagong hakbangin at target ng kanyang bansa, bilang lalo pang ambag para sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Kabilang dito, hanggang sa taong 2030, babawasan ng Tsina nang 65% ang emisyon ng carbon dioxide kada GDP batay sa bilang noong 2005, tataasin sa 25% ang proporsiyon ng mga non-fossil fuel sa lahat ng mga gagamiting primary energy, daragdagan ng 6 na bilyong metro kubiko ang forest stock volume batay sa bilang noong 2005, at tataasin sa 1.2 bilyong kilowatt ang kabuuang installed capacity ng wind at solar power.

 

Nitong mga taong nakalipas, lalung-lalo na pagkaraang pagtibayin noong Disyembre, 2015 ang Paris Agreement, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, laging ipinapatupad ng Tsina ang mga hakbangin, at pinapasulong ang pagsasakatuparan ng mga target sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Nitong nakalipas na 5 taong singkad, nasa unang puwesto sa daigdig ang bilang ng mga patente, pamumuhunan, installed capacity, output ng koryente ng Tsina sa aspekto ng renewable energy. Lumampas naman sa 100 bilyong US Dollar ang pamumuhunan bawat taon sa aspekto ng renewable energy.

 

Mula 2015 hanggang 2019, bumaba ng 15% ang bolyum ng ginamit na enerhiya kada industrial value added. Katumbas ito ng pagbabawas ng paggamit ng 480 milyong toneladang karbon.

 

60% ng mga bagong naitayong arkitekturang pansibilyan ay nakaabot sa pamantayan ng "green building," ibig sabihin, mga arkitekturang nagdudulot ng mga positibong epekto sa klima at kapaligiran, at nagbabawas ng mga negatibong epekto. Isinasagawa rin ang renobasyon ng pagtitipid sa enerhiya sa mga umiiral na arkitekturang residensyal.

 

Nagdoble taun-taon ang bilang ng mga new energy vehicle sa Tsina. Ang bolyum ng pagbebenta ng mga sasakyang ito sa Tsina ay katumbas ng 55% ng kabuuang bolyum sa buong mundo.

 

Samantala, aktibo ring lumalahok ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyon laban sa pagbabago ng klima.

 

Noong 2015, binuo ng Tsina ang 20 bilyong yuan RMB na south-south cooperation fund para sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Noong 2016, sinimulan ng Tsina sa mga umuunlad na bansa ang mahigit 1 libong proyektong pangkooperasyon para sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Noong 2017, ipinatalastas ng Tsina ang pagkakaloob ng 500 milyong US Dollar, bilang tulong sa mga umuunlad na bansa sa pagharap sa mga hamong dulot ng pagbabago ng klima.

 

Sa tulong naman ng Tsina, itinayo noong 2018 ang Addis Ababa-Djibouti Railway, kauna-unahang modernong electrified railway sa Aprika. Ginawa rin ng Tsina ang lahat ng mga photovoltaic panel na ginagamit sa Sweihan solar power plant, sa Abu Dhabi, UAE, isa sa mga pinakamalaking ganitong power plant sa daigdig.

 

Ang mga ito ay makakatulong sa naturang mga lugar para sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

May-akda: Liu Kai

Please select the login method