Binuksan sa Beijing nitong Lunes, Disyembre 14, 2020 ang International Forum on Sharing Poverty Reduction Experience.
Sa kanyang mensaheng pambati sa porum, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagpawi sa karalitaan ay komong pangarap ng buong sangkatauhan. Palagian aniyang ginagawang hangarin ng pagpupunyagi ng Partido Komunista ng Tsina at pamahalaang Tsino ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng mabuting pamumuhay. Pagkaraan ng 8 taong sustenableng pagsisikap, umahon ang halos 100 milyong mahirap na populasyon sa kanayunan mula karalitaan, bagay na nakapagbigay ng napakalaking ambag para sa pandaigdigang usapin ng pagbabawas ng karalitaan.
Diin pa ni Xi, sa kasalukuyan, patuloy ang pagkalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, at nahaharap ang usapin ng pagbabawas ng kahirapan sa mahigpit na hamon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig para mapasulong ang proseso ng pagbabawas ng karalitaan sa daigdig at ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Dumalo sa nasabing porum si Attorney Noel Felongco, Secretary-general of the National Anti-poverty Commission ng Pilipinas.
Salin: Lito
Pulido: Mac