Inilipat ngayong araw, Sabado, ika-19 ng Disyembre 2020, sa Beijing, ng China National Space Administration (CNSA) sa Chinese Academy of Sciences (CAS) ang mga lunar sample na kinolekta ng Chang'e-5 probe.
Ang CAS ay mamumuno sa mga gawain ng pag-imbak, pag-aanalisa, at pananaliksik ng naturang mga sample na nagtitimbang ng 1.7 kilo.
Susuriin alinsunod sa nakatakdang plano, ng mga mananaliksik ng ground applications system ang mga sample, pagkaraang ihatid ang mga ito sa laboratoryo.
Salin: Liu Kai