Tsina, isasagawa ang kooperasyong pandaigdig para sa pag-aaral sa mga saligang kakayahan sa pagtatayo ng lunar research station

2020-12-18 18:27:56  CMG
Share with:

Isinalaysay kahapon, Huwebes, ika-17 ng Disyembre 2020, ni Wu Yanhua, Pangalawang Puno ng China National Space Administration (CNSA), na ipagpapatuloy ng Tsina ang Lunar Exploration Program.

 

Sasamantalahin din aniya ng Tsina ang mga pagkakataon para makipagkooperasyon sa mga bansa at organisasyong pandaigdig tungkol sa pag-aaral sa mga saligang kakayahan o basic capabilities para sa pagsisimula ng planong pagtatayo ng lunar research station at pagsubok ng mga masusing teknolohiya.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method