Sinabi nitong Lunes, Disyembre 21, 2020 ng dalubhasa ng World Health Organization (WHO) na kahit ilang beses na mutasyon ang naganap sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hindi nabuo ng mga umiiral na mutasyong kinabibilangan ng mutasyon ng coronavirus na natuklasan sa Britanya ang malaking epekto sa gamot, paggagamot, paraan ng pagsusuri at bisa ng bakuna laban sa COVID-19.
Diin ng dalubhasa na kasabay ng tuluy-tuloy na pagsusubaybay sa pagbabago ng viral gene sequence, dapat pabagalin ang bilis ng pagkalat ng virus, saka lamang pabababain ang posibilidad ng mutasyon ng viral gene.
Salin: Vera